NAGPAHAYAG ng pakikiisa si AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr. sa paggunita ng publiko sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Sinabi ni Brawner na panahon ito upang magbigay-galang sa lahat ng mga santo, kilala man o hindi kilala, at alalahanin ang mga yumaong mahal sa buhay.
Ayon kay Brawner, panahon din ito ng pagbibigay ng parangal sa pamana, alaala, at kabayanihan ng mga Filipino na nagbuwis ng buhay para paglingkuran ang bansa.
Pagkakataon aniya ito upang buhayin ang pangako na patuloy na paglingkuran ang kapwa, pahalagahan ang buhay at kalayaan at patatagin ang pananampalataya habang kumuhuha ng inspirasyon sa mga bayaning Filipino.
Umaasa ang AFP chief na magkaroon ang publiko ng isang makabuluhan at taimtim na pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay.