AFP itinalaga ang bagong commander ng EASTMINCOM

AFP itinalaga ang bagong commander ng EASTMINCOM

ITINALAGA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si MGen. Luis Rex Bergante bilang bagong commander ng Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM), ginanap ang change of command ceremony kanina sa Davao City.

Si MGen. Bergante ay dating commander ng Training and Doctrine Command ng Philippine Army at marami rin ang naging karanasan nito sa kaniyang mga naunang command positions katulad na lamang ng pagiging Assistant Division Commander ng 7th Division, commander ng 1001st Infantry Brigade sa ilalim ng 10th Infantry Division, at iba pa.

Pinalitan nito si MGen. Jose Maria Cuerpo II na papalit naman sa isang posisyon matapos na magretiro si LtGen. Greg Almerol nitong nakaraang buwan.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na alam niyang hindi magiging madali ang trabahong iniatas sa bagong commanding general ng EASTMINCOM ngunit malaki ang tiwala nito kay Bergante na magagampanan nito ang kaniyang tungkulin para sa bayan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter