NAGPADALA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 200 sundalo at mga land asset sa Negros Islands.
Ito’y upang tumulong sa nagpapatuloy na disaster response operations kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Mag-aalas tres (2:55AM) ng madaling-araw nitong Martes, Mayo 13, 2025 nang muling pumutok ang bulkan.
Umabot ito ng limang minuto at naging sanhi ng makapal at kulay-abong usok.
May naitala ring ashfall sa mga lugar tulad ng La Carlota City, Bago City at La Castellana.