AFP, NDRRMC magsasanib-puwersa sa pagtugon sa mga sakuna ngayong tag-ulan

AFP, NDRRMC magsasanib-puwersa sa pagtugon sa mga sakuna ngayong tag-ulan

MAGSASANIB-pwersa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa mabilis na pagtugon sa mga sakuna ngayong tag-ulan.

Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, magiging aktibo ang mga unified command at task forces sa pakikipag-ugnayan sa NDRRMC at iba pang ahensiya ng pamahalaan upang tugunan ang anumang mga emergency.

Naglagay na rin ang AFP ng mga asset at trained personnel sa mga high-risk area para sa agarang pag-deploy kung kinakailangan.

Kasabay ng pagpasok ng tag-ulan at habagat na ini-anunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) noong Hunyo 2 ay patuloy ang pagsasanay ng AFP para matiyak ang kahandaan sa oras ng pangangailangan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble