Agawan sa operasyon ng Cavitex, nagpapatuloy pa sa hukuman

Agawan sa operasyon ng Cavitex, nagpapatuloy pa sa hukuman

NAGHAIN ng petisyon sa Court of Appeals (CA) ang Public Estates Authority Tollway Corporation (PEATC) para mabawi nila sa Cavite Infrastructure Corporation (CIC) ang operasyon ng Manila-Cavitex Toll Expressway Project (Cavitex).

Hinihiling sa petisyon na maglabas ng Writ of Mandamus ang CA para ibalik na ng CIC ang pamamahala at operasyon ng Cavitex sa gobyerno kasama na ang pangungulekta sa toll way.

Nagsimula anila ang franchise period ng operator ng expressway noong 1998 na dapat nagtapos na nitong nagdaang 2023.

Nakasaad sa kasunduan na ang operator ng Cavitex ang magpapagawa ng kalsada ng hanggang apat na phase o segment ng proyekto kapalit ng 10% ng gross income na mapupunta sa gobyerno at kapag nabawi na ang kabuuang halaga ng investment ay ibabalik na sa gobyerno ang pamamahala sa Cavitex.

Ilang beses na anilang nagpadala ng notice ang gobyerno sa operator ng Cavitex na ibalik na ang operation ng nasabing expressway pero patuloy na nagmamatigas ito kahit wala ng karapatan ang kompanya sa operation ng Cavitex kaya umabot na sa P2.4-B ang nawawala sa gobyerno mula noong nakaraang taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter