Agosto 19, 2022 sa Quezon City, idineklarang special non-working holiday

Agosto 19, 2022 sa Quezon City, idineklarang special non-working holiday

IDINEKLARANG special non-working holiday ang Agosto 19, 2022 sa Quezon City.

Ito ay bilang paggunita sa ika-144 kaarawan ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon alinsunod sa Republic Act No. 6741.

Ayon sa Quezon City government, walang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong opisina sa buong lungsod ng Quezon bukas.

Mananatili namang may pasok ang essential services gaya ng law enforcement, traffic management, fire protection, health and rescue, disaster response and management.

Follow SMNI NEWS in Twitter