Agri chief sa posibleng pananatili sa ahensiya: “Another headache at pagod ito”

Agri chief sa posibleng pananatili sa ahensiya: “Another headache at pagod ito”

MAY pabirong pahayag si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. hinggil sa posibleng desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kaniyang courtesy resignation.

“Additional headache at pagod ito,” pahayag ni Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., Department of Agriculture.

Ito ang pabirong pahayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nang matanong ukol sa posibilidad ng kaniyang retention o pananatili bilang kalihim ng ahensiya.

Ayon kay Laurel, nasa kamay na ni Pangulong Marcos Jr. ang desisyon kung mananatili siya sa puwesto o hindi.

“(Kayo pa ba ang Agri Sec?) I don’t know, well it’s up to the President.”

“In any case it did not matter to me, he makes his final decision. Double time nga kami ngayon lahat para mapabilis ang serbisyo,” aniya pa.

Sinabi rin ni Laurel na kung sakaling hindi siya manatili sa posisyon, buong respeto niyang tatanggapin ang desisyon.

Bukod sa kaniyang tungkulin sa pamahalaan, may nais din siyang gawin sa buhay—lalo na kaugnay ng kanilang family business sa sektor ng pangisdaan at enerhiya.

“Magfa-farming ako. Anong crop? Bigas, mais, cassava, at tsaka babuyan. Alam ko na ang gusto kong gawin. I believe in the farming and in the agri industry and I will invest in that in case I will go back in the private sector,” saad nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble