NANANATILING nasa “good” o within the “acceptable guideline values” ang kalidad ng hangin sa Central Visayas as of Apr 8. Ito ang inilabas na bulletin ng Environmental Management Bureau (EMB) Region 7 matapos sumabog ang Mt. Kanlaon noong umaga ng Abr 8, 2025.
Ayon sa pahayag ng EMB 7, ang pagsabog na naganap sa bunganga ng bulkan ay nagsimula ng 5:51 a.m. at natapos ng 6:47 a.m., na nagresulta sa 4,000-metrong ulap ng abo na dumaloy patimog-kanluran.
Batay sa ulat ng monitoring ng EMB 7 sa kanilang istasyon sa Mabigo, Canlaon City sa Negros Oriental, pati na rin sa Toledo at Mandaue sa Cebu, nananatili sa loob ng tinatawag na acceptable guideline values ang sulfur dioxide (SO2) at particulate matter (PM10 at PM2.5) as of Apr 8, kaya’t itinuturing itong “good” o nasa “acceptable guideline values.”
Isinasagawa rin ang karagdagang monitoring ng kalidad ng hangin sa Toledo City at Mandaue City sa Cebu upang suriin kung apektado ng pagsabog ang kalidad ng hangin sa labas ng Negros Island.
Ang bulkan ay nananatiling nasa Alert Level 3 sa ngayon.
Follow SMNI News on Rumble