AirAsia, Cebu Pacific, pananatilihin ang murang pasahe sa kabila ng pagtaas ng fuel surcharge sa Setyembre

AirAsia, Cebu Pacific, pananatilihin ang murang pasahe sa kabila ng pagtaas ng fuel surcharge sa Setyembre

HINIHIKAYAT ng AirAsia Philippines at Cebu Pacific ang kanilang mga pasahero na mag-avail ng kanilang nagpapatuloy na mga promo at mag-book ng mas maaga para sa susunod na buwan na mga flight.

Sa ngayon ang AirAsia ay nag-aalok ng isa pang round na ‘P1SO Sale’ na sinimulan noong  Agosto 18 – 27, 2023 habang nagpapatuloy naman ang seat sales ng Cebu Pacific na kasing baba ng P199 one-way base fare mula Setyembre 15, 2023 hanggang Enero 31, 2024.

Ito’y sa harap na pagtaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) ng passenger at cargo fuel surcharge rate nito para sa susunod na buwan ng Setyembre sa level 6.

Sa ilalim ng level 6, epektibo simula Setyembre 1-30 2023 ang mga pasahero ay kailangang magbayad ng fuel surcharge sa pagitan ng P185 hanggang P665 para sa domestic flights, at sa pagitan ng P610.37 at P4,538.40 para sa international flights.

Sa kasalukuyang level 4, pinahihintulutan ng CAB ang bawat pasahero na magbayad ng   fuel surcharge sa pagitan ng P117 hanggang P342 para sa domestic flights at mula P385.70 hanggang P2,867.82 para sa international flights.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble