NAG-aalok ang budget carrier na AirAsia Philippines ng end-of-summer seat sale para sa mga domestic flights.
Ang nabanggit na one-way base fare ay nagsisimula sa halagang P208.
Nag-umpisa nang tumanggap ng booking para dito noong Hunyo 2 at magtatagal ito hanggang Hunyo 15, 2025.
Ang booking ay para sa mga biyahe mula noong Hunyo 2 hanggang Nobyembre 30.
Kabilang sa tampok na mga destinasyon sa naturang seat sale ay ang Bacolod, Kalibo, Iloilo, Tacloban, Puerto Princesa, Caticlan, at Cagayan de Oro.