Airport management, pagpapaliwanagin sa Kamara dahil sa aberya sa NAIA

Airport management, pagpapaliwanagin sa Kamara dahil sa aberya sa NAIA

PAGPAPALIWANAGIN ng House of Representatives ang airport management sa panibagong aberyang nangyari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay House Committee on Transportation Chairman Romeo Acop, balak nila na magsagawa ng briefing kasama ang concern government offices na may kinalaman sa Labor Day NAIA Terminal 3 glitch.

Giit ni Acop, nais nilang malaman ang mga solusyon na gagawin ng airport management para maiwasan na muling mangyari ang insidente.

Sa tanong kung paiimbestigahan ang bagong aberya sa NAIA, saad ni Acop na depende ito kung may congressman na maghahain ng House Resolution.

“We are planning to ask them to brief the Committee on the details of the glitch and their plans to prevent the occurrence of the same unless there is a resolution filed by any member of the House,’ saad ng mambabatas.

Nauna nang nagsagawa ng imbestigasyon sa Kamara hinggil sa naunang aberya sa NAIA nitong Bagong Taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter