Airport sa Southwest Haiti tatanggap na ng int’l flights

Airport sa Southwest Haiti tatanggap na ng int’l flights

TATANGGAP na ang Antoine Simon Airport ng Southwestern Haiti ng international flights sa unang pagkakataon.

Mas ligtas ito na opsiyon para sa commercial airlines kumpara sa main airport sa Port-au-Prince kung saan laganap sa kasalukuyan ang gang violence.

Dahil sa hakbang na ito ay aasahan na ring lalago na ang lokal na ekonomiya sa Southwestern Haiti.

Hinggil sa gang violence na nag-umpisa sa huling bahagi ng 2023, 85% na sa capital city sa nabanggit na Caribbean country ang kontrolado ng mga gang, maging ang pangunahing mga daanan sa hilaga at katimugang bahagi ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble