AJ Edu, kasali sa line up ng Gilas para sa FIBA Asia Qualifiers ngayong Pebrero 

AJ Edu, kasali sa line up ng Gilas para sa FIBA Asia Qualifiers ngayong Pebrero 

POSITIBO si Gilas Pilipinas Coach Tim Cone na hindi malayong makakapaglaro muli si AJ Edu.

Ito ang dahilan kung bakit binigyan niya ng spot ang basketbolista para sa 2024 FIBA Asia Cup Qualifiers ngayong Pebrero.

Kung matatandaan, nagkaroon ng knee injury si Edu noong Nobyembre 2023 nang maglaro ito para sa Toyama Grouses sa Japan B. League.

Samantala, sa Qualifiers, makakalaban ng Gilas sa Hong Kong ang basketball team ng naturang bansa sa Pebrero 22 habang ang Taipei naman sa Pebrero 25 dito sa Manila.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter