PORMAL nang maglalaro ngayong araw, Pebrero 20, 2025, para sa Gilas Pilipinas si AJ Edu.
Ito ay para sa naka-schedule na game sa pagitan ng Gilas at Chinese Taipei ngayong Huwebes sa FIBA Asia Cup 2025 qualifiers.
Timing ang pagpasok na ito ni Edu dahil kasalukuyang may ACL injury si Kai Sotto at hindi makapaglalaro para sa team.
Ngunit matatandaan na hindi rin agad nakapaglaro si Edu para sa national team dahil sa sunod-sunod nitong injuries.
Samantala, kasama ni Edu sa 12-man roster para sa FIBA qualifiers sina Justin Brownlee, June Mar Fajardo, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Calvin Oftana, CJ Perez, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, at Carl Tamayo.
Follow SMNI News on Rumble