ABANGAN ang Game 2 ng semifinals ng 2024-2025 PVL All-Filipino Conference sa Abril 1, 2025.
Maghaharap ang Creamline Cool Smashers at Akari Chargers sa ganap na 4:00 ng hapon, habang 6:30 ng gabi naman ang Petro Gazz Angels laban sa Choco Mucho Flying Titans.
Sa Game 1 noong Marso 29, nanalo ang Akari kontra Choco Mucho sa iskor na 20-25, 25-19, 25-23, 21-25, 16-14.
Samantala, wagi ang Angels kontra Cool Smashers sa iskor na 25-23, 25-22, 21-25, 25-16.
Player of the Game si Jonah Sabete ng Petro Gazz na may 19 points.
Follow SMNI News on Rumble