NAKASAILALIM ngayon ang probinsiya ng Aklan sa state of calamity dahil sa dumaraming kaso ng African swine fever (ASF).
Ito’y matapos kinumpirma ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) na 7 munisipalidad sa probinsiya ay apektado na ng ASF.
Kabilang dito ang Balete, Tangalan, Makato, Numancia, Kalibo, Batan, at New Washington.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang OPVET sa 7 munisipalidad upang maasistihan ang apektadong hog farms.
Aabot sa halos 500 na mga baboy ang kinatay na sa Aklan upang mapigilan ang pagkalat ng ASF.