Aktor na si Kit Thompson, inaresto ng mga pulis sa Tagaytay

Aktor na si Kit Thompson, inaresto ng mga pulis sa Tagaytay

ARESTADO ang aktor na si Kit Thompson matapos ireklamo ng umano’y pambubugbog sa kaniyang nobyang aktres na si Ana Jalandoni.

Nasa kustodiya na ng Tagaytay City Police Station ang aktor na si Kit Thompson dahil umano sa pananakit sa kasintahan.

Ayon sa pulisya, kasalukuyang sumasailalim sa interogasyon at imbestigasyon si Thompson.

Inaresto si Thompson sa isang hotel matapos ang tawag na natanggap ng pulisya kaugnay ng pananakit umano sa kanyang kasintahan.

Nasa ospital na ang kasintahan ni Thompson na nanghihina at hindi makahinga nang masagip ng mga pulis.

Kinumpirma naman ni PRO 4A Regional Director Police Brigadier General Antonio Yarra ang pag-aresto sa aktor dahil sa natanggap nilang reklamo laban dito.

Samantala, sa isang pahayag, nangangalap na ng karagdagang impormasyon at ebidensya laban sa aktor para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa aktor.

“The PNP continues to monitor the condition of the lady victim after the rescue operation. The suspect, actor Kit Thompson, has been arrested at inihahanda na po ang mga ebidensya for possible filing of charges,” pahayag ni PBGen. Roderick Augustus Alba, Chief, PIO.

Kasabay nito ang pagkondena ng ahensiya sa naturang karahasan laban sa mga kakabaihan at nangakong isasagawa ang isang patas na imbestigasyon sa naturang insidente.

“We condone any act of violence, especially against women. As we celebrate the Women’s Month, we couldn’t stress enough the inherent role of the PNP to protect the rights of every woman in society. We vow to conduct a full, fair and transparent investigation,” dagdag ni Alba.

Follow SMNI News on Twitter