HUMINGI na ng tulong sa Federal government ng Canada ang Alberta dahil sa pagkakatala ng 94 na wild fires sa buong probinsiya kung saan 27 dito ay hindi na makokontrol.
Ito’y kasunod na rin ng pagdeklara ng state of emergency sa probinsiya noong weekend kung saan mahigit sa 29 katao na ang inilikas sa kanilang mga tahanan.
Tumulong na rin sa pag-apula sa wild fires ang mga bombero mula sa Quebec at Ontario.
Kabilang sa mga lugar na pinakamatinding tinamaan ng wildfire ay ang Drayton Valley, kanluran ng kabisera ng Edmonton at Fox Lake.
Ang Alberta ang pangunahing pinagkukunan ng langis sa Canada kaya’t apektado na rin ang suplay ng langis sa rehiyon matapos na magsara ang ilang oil at natural gas wells at pipeline systems.