MULING nagbalik si Carlos Alcaraz sa no.1 ng Association of Tennis Professionals (ATP) rankings matapos itong manalo sa Indian Wells habang si Rafael Nadal ay natanggal na sa top 10 sa unang pagkakataon matapos ang 18 taon.
Nagawang matalo ng Spanish teenager na si Alcaraz si Daniil Medvedev ng Russia upang muling makuha ang top spot mula kay Novak Djokovic na hindi nakapaglaro sa Indian Wells dahil sa pagtanggi nitong magpabakuna laban sa COVID-19.
Si Nadal hindi pa rin nakapaglalaro simula nang matanggal ito sa 2 round ng Australian Open dahil sa natamong injury ay lumaglag sa ika-13 puwesto ng ATP rankings.
Ang 22-time Grand Slam Champion ay parte ng top 10 simula April 2005.