HINDI pa napatutunayan ang mga alegasyon laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito ang sinabi ng abogado nito na si Atty. Stephen David kasunod sa isiniwalat ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa tugmang fingerprints ng mayora at ng isang Chinese national na si Guo Hua Ping.
Aniya pa, kinakailangang idaan sa proseso kung authentic o fake ba ang dokumento.
Kamakailan lang ay sinabi rin ni Sen. Sherwin Gatchalian na tugma ang fingerprint ng isang batang lalaki na Chinese na pumasok sa bansa noong taong 1999 sa nakababatang kapatid ni Mayor Guo.
Ang Chinese national na si Guo Xiang Dian ay si Wesley Leal Guo, isa sa mga kapatid ni Mayor Alice.