Alert level 2, inilabas ng DFA sa New Caledonia

Alert level 2, inilabas ng DFA sa New Caledonia

ITINAAS ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 2 ang New Caledonia kasunod na rin ng nangyayaring kaguluhan doon.

Sa abiso ng DFA, pinaalalahanan nito ang mga Pilipino sa nasabing lugar na maging mapagmatyag at iwasan ang mga matataong lugar.

Sa taya ng kagawaran, aabot sa 200 ang Pilipino ang naninirahan at nagtra-trabaho sa New Caledonia.

Pinaalalahanan din ng DFA ang mga kababayan natin doon na sumunod sa local authorities at maaaring dumulog sa Philippine Consulate General sa Sydney kung may kakailanganin ang mga ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble