HINDI na lalahok sa Catalonia Open si Pinay tennis star Alex Eala matapos hindi nasali ang kaniyang pangalan sa listahan ng 32 kalahok sa main draw ng torneo.
Inaasahang nasa ika-anim na seed si Eala, pero sa kaniyang pag-atras, napunta sa Australian player na si Maya Joint ang kaniyang puwesto.
Kasalukuyang nasa 72 puwesto si Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings matapos ang kaniyang laban kontra world number two na si Iga Swiatek ng Poland sa second round ng Madrid Open.
Nakatakda namang lumahok si Eala sa Italian Open at inaasahan din ang kaniyang kauna-unahang pagsabak sa main draw ng prestihiyosong French Open ngayong Mayo.
Follow SMNI News on Rumble