Alex Eala, tinalo ang Australian na kalaban sa qualifying draw ng 2024 French Open

Alex Eala, tinalo ang Australian na kalaban sa qualifying draw ng 2024 French Open

TINALO ni Pinay tennis player Alex Eala ang kalaban nitong Australian sa iskor na 4-6, 6-4, 7-5 sa naging game nila sa Paris nitong Miyerkules, Mayo 22, 2024.

Dahil dito, ilang panalo na lang at aabot na si Eala sa main draw ng 2024 French Open.

Makakalaban naman ni Eala si Julia Riera ng Argentina sa susunod na round ng qualifying draw.

Kamakailan ay umangat din ang rankings ni Eala sa Women’s Tennis Association (WTA).

Mula sa ika-170 noong Abril 22 ay nasa ika-162 na ito sa rankings sa kasalukuyan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble