PINATAOB ng Pinay tennis player na si Alex Eala ang World No. 2 na si Iga Swiatek sa iskor na 6-2, 7-5.
Isang malaking tagumpay ito para sa kaniya, lalo na’t kung titingnan ay nasa No. 140 lang si Eala sa rankings.
Kung tutuusin pa ay nakapasok lang si Eala sa kompetisyon bilang isang wild card.
Dahil sa panalong ito laban kay Swiatek, makakapasok na si Eala sa WTA 1000 semifinals sa 2025 Miami Open sa Hard Rock Stadium, Florida.