Ali Wong, isang parangal ang dala para sa Asya matapos nanalo bilang “Best Actress” sa Golden Globes 2024

Ali Wong, isang parangal ang dala para sa Asya matapos nanalo bilang “Best Actress” sa Golden Globes 2024

NAGSISILBING isang parangal para sa mga Asyano ang pagkapanalo ni Ali Wong ng Best Actress Award para sa limited series or TV movie category ng Golden Globe Awards 2024.

Sa katunayan, kauna-unahang nomination niya ito sa Golden Globes at siya pa lang din ang kauna-unahang Asian na nanalo ng napakalaking parangal gaya ng kaniyang pagiging “Best Actress”.

Si Wong ay gumanap bilang Amy Lau sa Netflix series na may pamagat na “Beef”.

Napakalaking pasasalamat ang ipinabatid ng aktres dahil dito sa lahat ng bumubuo ng “Beef” at maging sa lahat ng kaniyang supporters, fans, at pamilya.

Kaugnay rito, ang Fil-Am comedian na si Jo Koy ang kauna-unahan ding Fil-Am at Asian na naging host sa buong kasaysayan ng Golden Globes.

Hindi aniya akalain na mapipili siya bilang host sa tinaguriang “Hollywood Party of the Year”.

Sinabi na rin ni Jo Koy na proud siyang irepresenta ang kaniyang pamilya at kultura sa Golden Globes.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble