Alice Guo, maaaring maghain ng kandidatura

Alice Guo, maaaring maghain ng kandidatura

MAAARING maghain ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) si Alice Guo.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, hindi pa pinal ang dismissal order sa kaniya ng Ombudsman bilang mayor sa Bamban, Tarlac.

Paglilinaw naman ng Commission on Elections (COMELEC) dito, wala silang kapangyarihan na mag-disqualify o magkansela ng isang kandidatura dahil hindi anila tungkulin ang mag-file nito.

Sa panig ni Guo, ninanais niya ring maghain ng kaniyang COC dahil sa kaniyang supporters at ang mga hindi pang naresolbang mga isyu sa Bamban.

Samantala, naghain na ng kandidatura para sa pagka-senador si Dr. Willie Ong.

Mismong asawa nito na si Dr. Liza ang nag-file ng COC para sa tinaguriang “Doktor ng Bayan.”

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble