MAAARING makasuhan ng perjury si Alice Guo sakaling maghahain ito ng Certificate of Candidacy (COC) at mapatutunayang mali ang mga ibinibigay nito na mga impormasyon.
Ayon ito kay Solicitor General Menardo Guevarra bilang tugon sa umano’y plano ni Guo na maghain ng kandidatura bilang alkalde muli ng Bamban, Tarlac.
Sinabi pa ni Guevarra, maaaring maghain ng COC si Guo subalit posibleng madiskwalipika ito ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa misrepresentation.
Samantala, sa ngayon ay kinansela na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang passport ni Guo.