Aljur Abrenica, umaming niloko nito ang dating asawang si Kylie Padilla

Aljur Abrenica, umaming niloko nito ang dating asawang si Kylie Padilla

MATAPOS na kumpirmahin ni Aljur Abrenica ang relasyon nito sa bagong aktres na si Aj Raval ay inamin na rin nito, ang kaniyang pagloloko na naging resulta ng hiwalayan sa asawang si Kylie Padilla.

Ani Aljur, bagaman ibinigay niya ang lahat para mapasaya si Kylie ay nagawa niya pa ring magloko dahil hindi pa siya ganon ka-mature noon.

Sinabi ng aktor na hindi mawawala ang pagmamahal niya kay Kylie dahil mayroon silang dalawang anak na kailangang palakihin at mayroon silang pinagsamahan.

Matatandaan na ikinasal si Aljur at Kylie noong 2018 at kinumpirma ni Robin Padilla ang hiwalayan ng dalawa noong July 2021.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter