Amb. Huang Xilian, nagbigay-pugay sa mga bayaning Chinese na kasamang lumaban ng mga Pilipino noong WWII

Amb. Huang Xilian, nagbigay-pugay sa mga bayaning Chinese na kasamang lumaban ng mga Pilipino noong WWII

KASABAY ng pag-alala sa mga bayaning Chinese kasama ng mga Pilipinong lumaban noong World War 2 para sa kalayaan ng Pilipinas, binigyang-diin ni Ambassador Huang Xilian ang kahalagahan ng pag-alala sa kasaysayan, lalo na sa pagharap sa mga kasalukuyang krisis.

Tuwing sasapit ang Abril 4, tradisyon ng mga Chinese ang magbigay-pugay sa kanilang mga ninuno.

Ngayong taon, sa Manila Chinese Cemetery, ang taunang pag-alala ay naging mas espesyal dahil sa pagpunta ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kasama ang ilang diplomat mula sa Embahada, na nagbigay-pugay rin sa mga itinuturing martir ng China, na tinatawag na Wa Chi.

Sila ang mga lumaban kasama ng mga Pilipino at nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan at kalayaan ng bansa noong World War II.

Para kay Ambassador Huang, malalim ang relasyon ng kasaysayan at kultura ng mga Tsino at mga Pilipino.

“It’s great honor for me to join the Chinese community in the Philippines to pay homage to the monument here. Those monuments are to commemorate those heroes who died in the Second World War in fighting the invasion of the Japanese. They joined the Filipino people to fight against the fascist of the Japanese invasion,” ayon kay H.E. Huang Xilian, Chinese Ambassador to the Philippines.

Binigyang-diin din ni Ambassador Huang ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa mga kasaysayan ng China at Pilipinas lalo na sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng dalawang bansa.

Upang matiyak ang tuluy-tuloy na kapayapaan sa rehiyon, iginiit ni Ambassador Huang na dapat panatilihin ang strategic independence o pagiging malaya sa anomang impluwensya ng bansa, at tumayo sa tamang panig ng kasaysayan.

‘Strategic Independence’ dapat panatilihin ng mga bansa ayon kay Chinese Amb. Huang Xilian

Tinawag ni Chinese Ambassador Huang Xilian ang mga karatig-bansa na ipaglaban ang ‘strategic independence’

“We should never forget the history in order to promote peace today and to promote peace tomorrow. You know, now, the world is full of challenges and uncertainties. Asia is also faced with either challenges or opportunities. So, regional countries should learn from history maintain the autonomous – the strategic autonomous, maintain the strategic autonomy of each country and choose to be on the right side of the history in order to make sure peace, the hard earned peace will continue,” dagdag ni Ambassador Huang.

‘Cold War mentality’ dapat tutulan – Chinese Amb. Huang Xilian

At aniya mangyayari lamang ito kung magtutulungan ang mga bansa at tututulan ang pagkakaroon ng Cold War mentality at anomang konprontasyon sa rehiyon.

“There’s always the traditional friendship between the Chinese people and the Filipino people. This friendship has been earned through our joined struggle against our colonists and [during the] Japanese invasion in the history. That’s a hard earned friendship. That’s a friendship which has gone through thick and thin. So, we need to cherish this kind of friendship and work together to promote peace and opposed any, as I said, any kind of confrontational approach and Cold War mentality in this region,” aniya.

Sa kabila ng tensiyon at kontrobersiya sa usapin ng South China Sea, nananatili namang positibo ang bilateral na relasyon ng China at Pilipinas, partikular na sa usaping ekonomiya.

Sa katunayan, posibleng magkaroon ng joint oil at gas exploration talks sa China ngayong darating na Mayo, ayon yan mismo sa Department of Foreign Affairs.

Follow SMNI NEWS in Twitter