PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang sabay-sabay na pag-iilaw ng Christmas Tree, Nativity, Chrismas Lanterns, at mga poste sa loob at labas ng Manila City Hall.
Ang Christmas Tree na may taas na 45 talampakan ay nagpakita ng mga kulay na ginto at pilak na sumisimbolo sa mas magandang kinabukasan para sa mga Manileño at kagandahan para sa modernong lungsod, ayon sa pagkakabanggit.
Samantala, ang mga korona ay sumisimbolo sa korona ng mga tinik na isinuot ni Hesukristo sa krus.
Ang disenyong ginawa ng local display artist na si Norman Francis Blanco ay naghihikayat sa mga Manileño na pagnilayan ang kapanganakan ni Hesukristo.