Amazon founder Jeff Bezos nangakong ibibigay ang yaman sa charity

Amazon founder Jeff Bezos nangakong ibibigay ang yaman sa charity

NANGAKO si Amazon founder Jeff Bezos na ipamimigay sa charity ang halos lahat ng kaniyang yaman.

Ayon ni Bezos ang $124-B na yaman ay ibibigay para malabanan ang climate change.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng batikos na tinanggap niya dahil sa hindi pagbibigay ng yaman nito sa charity.

Una nang nangako si Bezos ng $10-B sa Bezos Earth Fund na inilunsad noong 2020 para labanan ang climate change.

Sa ngayon ay namahagi na si Jeff Bezos at asawa nitong si Lauren Sanchez ng $100-M kay philantrophist Dolly Parton mula sa kanilang Bezos Courage & Civility Award.

Follow SMNI NEWS in Twitter