Amazon planong palawakin ang data center sa Australia

Amazon planong palawakin ang data center sa Australia

PLANONG palawakin at panatilihin ng American e-commerce company na Amazon ang kanilang data center infrastructure sa Australia.

Para maisakatuparan ay mag-iinvest sila ng 20 billion Australian dollars mula 2025 hanggang 2029.

Partikular na ilalaan ang pondo para sa karagdagang server capacity at suporta para sa generative AI workloads ng Amazon.

Nabanggit din ng kompanya na ito’y mag-iinvest sa tatlong bagong solar farms sa Victoria at Queensland.

Ipinangako pa nito na bibili ng pinagsama-samang higit 170 megawatts na kapasidad mula sa mga solar farm na ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble