BUMISITA si His Excellency Endo Kazuya, ang bagong itinalagang Ambassador ng bansang Japan sa Pilipinas sa Office of the Vice President (OVP).
Ayon kay Vice President Sara Duterte hangad ng dalawang bansa ang pagpapalawak ng saklaw ng kooperasyon at mas malalim at mayabong na ugnayan sa pagitan ng ating mga bansa.
Nagpasalamat din ang bise presidente sa bansang Japan sa tulong na ipinaabot nila sa bansa at ang patuloy na suporta nila sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Mindanao.
Ani VP Sara, mahalaga ang maayos at malalim na ugnayan sa ating mga karatig bansa ng Timog Silangang Asya.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.