NAGAWA nang ma-settle ng Hollywood ex-couples na sila Johnny Depp at Amber Heard ang kanilang acrimonious defamation case kung saan sumang ayon ang aktres na bayaran ang dati nitong asawa ng 1 million dollars.
Sa Instagram post, sinabi ni Heard na mag-a-apila siya laban sa 10 million dollars payout na ipinag-utos sa kanya ng jury dahil sa hindi niya na kaya pang sumailalim pa sa panibagong trial.
Ani Heard, matapos ang matagal at mahirap na deliberasyon ay napagdesisyunan niyang i-settle ang defamation case.
Dagdag nito, ginawa niya ang desisyong ito kasabay ng pagkawala ng kanyang tiwala sa American legal system kung saan nagsilbing entertainment at social media fodder ang kanyang mga testimony.
Sa legal battle ng dalawa, napag-alaman ng Virginia jury na parehong liable para sa defamation sila Depp at Heard ngunit mas pumanig ito sa Pirates of the Carribean star kasunod ng mainit na 6-week trial ng contested allegations ng domestic abuse.