Ambisyong magsenador ni convicted child abuser France Castro, tablado

Ambisyong magsenador ni convicted child abuser France Castro, tablado

DAHIL sa hatol ng korte laban kina convicted ACT Party-list Rep. France Castro at dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, posibleng hindi na makatakbo ang mga ito para sa ambisyong magsenador sa 2025 mid-term elections.

Sa pulong balitaan ng National Task Force to end Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Mico Clavano, mabigat ang hatol ng korte laban sa kina Castro, Ocampo, at 11 iba pa gaya ng Child Abuse at Exploitation.

Giit ni Clavano, malinaw kasi ang isinasaad ng Omnibus Election Code laban sa sinumang nahatulan ng korte.

Nakasaad kasi sa nasabing batas na sinumang mahatulan sa anumang uri ng kaso ay diskuwalipikado nang humawak ng alinmang posisyon sa pamahalaan lalo na kung ang kaso ay may kinalaman sa tinatawag na moral turpitude.

“As long as a person is convicted of a crime involving moral turpitude, disqualified po siya. Ngayon po ang susunod na tanong, ano po ‘yung mga crimes ng moral turpitude? Ito po ‘yung mga acts na inherently wrong,” saad ni Atty. Mico Clavano, Spokesperson, DOJ.

Posible ring hindi pagbigyan ng korte ang convicted na si France Castro at Satur Ocampo dahil na rin sa malakas ang ebidensiyang nagdiriin sa kanila rito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble