NANINIWALA si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, nominee ng EPANAW Sambayanan, na tama ang direksiyon ng legislative agenda ni Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon sa kaniya, ang pagsasama ng kalinisan sa kapaligiran at pamamahala, gayundin ang pagpapalakas ng community mobilization, ay susi sa pagpapatatag ng kalikasan, komunidad, at bansa.
“Ang kalinisan sa kapaligiran ay sinasamahan ng panawagan ni Pastor Apollo Quiboloy ng zero corruption-so, ‘yung kalinisan sa pamamahala at kalinisan sa kapaligiran ang siyang magiging daloy ng malakas, matatag na pamamahala upang sumulong at lalo pang lumakas ang ating hangarin na umunlad ang bansa.”
“Tama ang direksyon ng programa sa legislative agenda ni Pastor Quiboloy na palakasin ang community mobilization
and participation para sa pagtatanggol, pagpapatatag ng kalikasan, at ng ating mga komunidad,” pahayag ni Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, Nominee, EPANAW Sambayanan.