MAGKAKAROON ng revamped version sa 2024 ang transport company ang Angkas app.
Ayon kay Angkas CEO George Royeca, ang revamped version ay magdadala ng mas mabisang serbisyo at mas maraming income opportunities sa lahat ng biker-partners.
Hinihiling na lang nila ngayon sa publiko ang lubos na pag-unawa habang pinapaunlad ang Angkas.
Ibinahagi na rin nito na ang nararanasang technical glitches sa booking system ay dahil sa outdated ang app.