Angkas, nangakong tutulungan si PBBM na magbigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino

Angkas, nangakong tutulungan si PBBM na magbigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino

PATULOY ngayon ang kooperasyon ng gobyerno at pribadong sektor sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.

Isa rito ang homegrown motorcycle ride-hailing company na Angkas.

Sinabi ni Angkas CEO George Royeca, committed sila na magbigay ng trabaho sa mga Pilipino.

Balak ng Angkas na gawing nanopreneurs ang maraming Pinoy.

Ito ani Royeca ang isa sa mga isinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa nagdaang ASEAN Summit sa Indonesia.

“Isa pong agenda sa ASEAN Summit is ‘yung tinatawag po ng Presidente nanopreneur. At ito po ay mas maliit sa microentrepreneur and I think represent a large number of our workforce,” pahayag ni George Royeca, CEO, Angkas.

Pasok sa pagiging nanopreneur ang mga rider ng Angkas dahil nagagamit ang motorsiklo sa hanapbuhay.

Swak ito sa hangarin ni Pangulong Marcos na magkaroon ng disenteng pagkakakitaan ang maraming Pinoy sa ilalim ng Motorcycle Micro Business Program.

At sila sa Angkas ay committed na makipagtulungan sa gobyerno.

“We hope to provide or create and ecosystem [that] legitimizes ang tinatawag nating nanopreneur or informal sector para talagang ma-empower po natin ang large portion of our population,” dagdag ni Royeca.

18 million motorcycle owners ang target ng kompanya na gawing nanopreneurs.

At pagandahin pa ang kitaan sa motorcycle taxis.

Batay sa pinakahuling datos, mahigit sa 28,000 na ang partner riders ng Angkas sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kabilang dito sa Metro Manila, Greater Manila Area, Metro Cebu, at Cagayan de Oro.

Hindi aniya titigil ang kompanya sa pakikipagtulungan sa gobyerno.

Lalo na sa full legalization ng motorcycle taxis sa Pilipinas.

Bagay na kanila aniya pinagtutuunan ng pansin sa pagbibigay ng inputs para sa binabalangkas na batas para dito.

“Kaya po nating magbigay ng trabaho sa milyun-milyong Pilipino. Dito sa industriya na ‘to at lahat na pong hardwork na ginagawa ng ating mambabatas ng executive branch, ng DOTr at LTFRB. Very promising po na finally makakamit na po sa mga probinsya lahat ng mga habal-habal na maging lehitimo at magkaroon po sila ng trabaho,” ani Royeca.

Sa ngayon ay nasa pilot program pa lamang sa Pilipinas ang operasyon ng mga motorcycle tax.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble