KINILALA ni Vice President Sara Duterte ang angking galing ng mga taga-General Santos City sa pagpapaunlad ng kanilang siyudad.
Ito ang naging laman ng mensahe ni VP Duterte sa pagdalo niya sa Kadsagayan Street Dance Competition na bahagi ng selebrasyon ng Kalilangan Festival sa General Santos City.
Pinuri din ng pangalawang pangulo ang katatagan ng mga taga GenSan sa kabila ng mga hamon katulad ng terorismo.
Dagdag pa ni VP Duterte, malayo na ang narating ng General Santos City.
At bilang Mindanawon aniya, siya at ang lahat ay nakikiisa sa tagumpay ng kapwa Mindanawon.