Antas ng tubig sa 6 na dam sa bansa, bumaba

Antas ng tubig sa 6 na dam sa bansa, bumaba

BUMABA na ang antas ng tubig sa ilang mga dam sa bansa.

Ito’y batay sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kabilang dito ang 6 na dam sa bansa, ang Angat Dam, Ipo Dam, Binga, San Roque, Pantabangan, at Caliraya.

Nananawagan ang PAGASA sa publiko na magtipid ng tubig ngayong may  banta ang El Niño phenomenon sa bansa na posibleng maranasan sa buwan ng Hunyo o Hulyo ng taong ito.

Pansamantalang isinara sa mga turista ang Wawa Dam sa Montalban, Rizal dahil sa nagpapatuloy na military operations.

Kasunod ng nangyaring engkuwentro sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at New People’s Army (NPA) sa Sitio Ligtas, Brgy. San Rafael.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter