Anti-communist group: CPP-NPA-NDF, wala nang mare-recruit na kabataan matapos ang halalan

Anti-communist group: CPP-NPA-NDF, wala nang mare-recruit na kabataan matapos ang halalan

MATAPOS na matalo sa eleksiyon ang mga natitirang miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso, naniniwala ang isang anti-communist group na wala nang mare-recruit na mga kabataan ang CPP-NPA-NDF.

“Wala na kayong mga kabataan na makukuha at masisira. Dadaan kayo sa mga magulang bago niyo sila makuha,” saad ni Relissa Lucena, President, Yakap ng Magulang Movement.

Tila nabunutan ng tinik ang kilalang anti-communist group na Yakap ng Magulang Movement matapos na pabagsakin ng taumbayan ang mga natitirang miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso sa katatapos lang na eleksiyon.

Sa kaniyang pahayag, itinuring na isang magandang balita ang pagkatalo ng mga makakaliwang grupong ito.

“Ang resulta ngayong eleksiyon ay pagpapakita na isinuka na ng taumbayan at iwinaksi na ng masa ang mga party-list na konektado communist terrorist group. Ang Bayan Muna, Health Workers Party-List, Gabriela, Act Teachers Party-List, Kabataan Partylist isang patunay na tinalikuran na ng masa ang mga party-list na ito,” ani Lucena.

Bukod rito, panahon na rin aniya ng paniningil sa mga grupong ito na limang dekada nang namamayagpag sa pagkitil ng mga buhay ng mga kabataan, na imbes na mag-aral ay namundok na lamang dahil sa mga maling prinsipyo at paniniwala.

“Ito ay pagpapatunay na humihingi ng pananagutan ang mga Pilipino at panahon para baguhin ang inyong tigilan niyo ang radikalisasyon, tigilan niyo ang pagpapasampa sa mga kabataan sa kabundukan,” giit nito.

Giit pa ni Lucena, hudyat ito ng mas malawakan pang pagbagsak ng CPP-NPA-NDF sa bansa.

Ang pagkatalo rin aniya ng mga komunistang grupong ito ay simula na ng kaligtasan ng mga kabataan mula sa mga mapanlinlang na adbokasiya ng CPP-NPA-NDF sa bansa.

“Ang pagbagsak ng inyong suporta mula sa mga botante ay pagpapakita ng inyong kawalan ng lehitimasyon at pagkawala ng inyong impluwensiya sa iba’t ibang lugar lalo na sa kabundukan,” aniya.

Babala ng grupo, kung may natitira pang lugar na pinamumugaran ng mga komunistang teroristang ito, hindi titigil ang gobyerno at ang sambayanang Pilipino sa pagsisikap na ilayo ang kabataan sa maling landas para hindi maapektuhan ang kanilang kinabukasan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble