Philippine National Anti-Crime Group, malaking grupo na sumusuporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Philippine National Anti-Crime Group, malaking grupo na sumusuporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy

PATULOY na lumalawak ang suportang nakukuha ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy mula sa iba’t ibang sektor sa bansa.

Marami ang humahanga sa dedikasyon ni Pastor Apollo, lalo na para sa kapakanan ng mahihirap at sa mga programa niya para sa pag-unlad ng bansa.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI kay Armando Alaska, National Chairman ng Philippine National Anti-Crime Group (PNACG), ibinahagi nito ang matagal nang paghanga sa mga adhikain ng Pastor, lalo na sa paglaban nito sa korapsiyon, ilegal na droga, at kriminalidad.

Naniniwala ang grupo na malaki ang magagawa ni Pastor Apollo sa Pilipinas, lalo na sa harap ng malalaking hamon kung saan milyon-milyong Pilipino ang lugmok sa kahirapan dahil sa kawalan ng kongkretong programa para sa kanila.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble