Anti-drug initiative ng Cebu, pinapakopya sa buong bansa

Anti-drug initiative ng Cebu, pinapakopya sa buong bansa

PINURI ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang anti-drug initiative ng Cebu Provincial Government dahil epektibo ang implementasyon nito.

Ani Barbers na chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, mainam ang programa ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia dahil nagtayo ito ng anti-illegal drugs offices sa 22 major seaports sa buong probinsya.

Saad ng kongresista, mainam na gayahin ang ‘localized drug war’ na ipinatutupad ni Gov. Garcia lalo na’t major entry points ang pinatututukan ng programa.

Ang mahigpit na border controls ay hawak ng One Cebu Inter-Agency Interdiction Task Force ng Cebu Provincial Government, Central Visayas Police, at ng PDEA Region 7.

’Since maraming pwedeng daanan o pasukan ng shabu at iba pang illegal drugs sa bansa dahil tayo’y isang archipelago, isang magandang hakbang at halimbawa ang ginawa ng Cebu government led by Gov. Garcia,’’ ani Barbers.

Dahil dito, nanawagan si Barbers sa lahat ng island-provinces sa buong bansa na gayahin ang ginawa ng Cebu para sa patuloy na kampanya kontra iligal na droga.

Follow SMNI NEWS in Twitter