NAGTIPON-tipon ang iba’t ibang mga organisasyon ng kontra-giyera sa Cebu at iba pang mga kritiko ng mga maling pamamalakad ng Marcos administration noong Agosto 9, 2024.
Ayon sa kanila, nakakaduda na kung nasa katinuan pa ba ang pag-iisip ngayon ni Marcos Jr. dahil sa kaniyang mga desisyon, na tila ay para sa ikalulugmok ng ating bansa.
Sa pinakaunang pagkakataon, ikinasa na ang Anti-War Congress sa Cebu City kamakailan.
Ito ang pagtitipon ng iba’t ibang mga organisasyon na dismayado sa hakbang ng gobyerno sa sigalot nito sa bansang China.
Sinundan ito ng caravan at pocket rally sa Plaza sa Katawhan, siyudad ng Cebu na layon ay ang pagmulat sa mga Sugbuanon sa mga tunay na nagaganap sa ating bansa ngayon.
Bilang isa sa mga imbitadong tagapagsalita ng Anti-War Congress sa Cebu, isinalaysay ni Ka Eric, dating kadre ng NPA at ngayo’y aktibong anti-war advocate ang dalawang layunin ng naturang pagtitipon.
Walang takot namang isiniwalat ng kilalang Cebuano political commentator na si EB Jugalbot, ang tunay na intensiyon ng mga Marcos na palawigin ang kanilang kapangyarihan sa paraan kung saan sila magtatagumpay.
Posibleng mameligro din ang lokasyon sa Mactan, Lapu-Lapu City, Cebu at mga karatig lugar nito dahil sa napipintong paglalagay ng US military base.
Si Atty. Vic Rodriguez ay nagbigay naman ng mensahe para sa mga kabataan sa kapanahunan ngayon.
Samantala, ipinagtataka ng isang Cebuano political commentator na si Jun Abines, kung bakit tahimik ang mga media ngayon sa mainit na usaping kinakasangkutan ng Marcos administration.
Kaya naman, ayon kay MNLF Davao Chairman, Aziz Olamit, kailangang magkaisa ang sambayanang Pilipino, upang mapigilan ang masamang kahihinatnan ng ating bansa.