BINIGYANG-diin ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na walang dahilan para maghintay pa hanggang Mayo 8, 2025 upang magkaroon ng tigil-putukan.
Para kay Zelenskyy, mas mainam na hindi na sana tinatanggihan ng Russia ang lahat ng panukala para lang magkaroon ng ceasefire.
Ang tigil-putukan din aniya ay hindi dapat para lamang sa ilang araw kung saan pagkatapos ay magkaroon na muli ng patayan.
Dapat dito, ani Zelenskyy, ay hindi bababa sa 30 araw ang tigil-putukan.
Nauna nang inanunsiyo ng Russia na magpapatupad sila ng ceasefire sa pagitan ng Ukraine mula Mayo 8–10.
Bilang bahagi ito ng selebrasyon ng Russia ng kanilang Victory Day laban sa Nazi Germany.
Ang Victory Day na ito ay bilang paggunita sa nangyari noong 1945 kung saan opisyal nang sumuko ang Nazi Germany sa Allied Forces na binubuo ng Estados Unidos, Russia, United Kingdom, China at France sa pagtatapos ng World War II.
Sa Russia, malaking selebrasyon ito dahil sa sakripisyo ng kanilang bansa lalo na’t tinatayang mahigit 20 milyong Russians ang nasawi sa naturang digmaan.
Follow SMNI News on Rumble