Anunsyo ng WHO na nakikita na nito ang pagtatapos ng COVID-19 pandemic sinang-ayunan ng DOH

Anunsyo ng WHO na nakikita na nito ang pagtatapos ng COVID-19 pandemic sinang-ayunan ng DOH

SINANG-ayunan ng Department of Health (DOH) ang naging anunsyo ng World Health Organization (WHO) na nakikita na nito ang pagtatapos ng COVID-19 pandemic.

Kamakailan nang inanunsyo ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus na nakikita na nito ang pagtatapos ng COVID-19 pandemic.

Ito ay dahil sa pagbaba ng kaso sa buong mundo at ng bilang ng namamatay dahil sa sakit.

Ayon sa WHO, ang bilang na naitalang fatalities noong nakalipas na linggo ay siyang pinakamababa simula noong March 2020.

Sa isang press briefing ay sinabi ni DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergeire na naniniwala sila sa sinabi ni Ghebreyus.

Pero ayon kay Vergeire, dapat pa ring mananatiling handa at equip ang Pilipinas dahil hindi naman mawawala ang virus.

Dapat din aniyang maintindihan ang mga paalala ng WHO para tuluyan nang matapos ang COVID-19 pandemic.

Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng critical management at pagpapataas pa rin ng testing capacity ng bansa.

Mahalaga rin aniyang ipinunto ng WHO ay ang pagtalima natin sa ating vaccination target.

Inilahad naman ni Vergeire ang mga kondisyon para mapag-usapan na rin sa IATF ang pag-aalis ng emergency phase sa bansa.

“Kapag nakita po natin na stable na ang ating mga kaso, less and less deaths at severity, critical, nakita natin, mataas na ang booster shot, wall of immunity natin and then we can say and discuss na baka tapos na nga talaga ang emergency phase sa ating bansa,” ayon kay Usec. Vergeire.

Follow SMNI NEWS in Twitter