Apektado ng shear line at nagdaang bagyong Kabayan, higit 90,000—NDRRMC

Apektado ng shear line at nagdaang bagyong Kabayan, higit 90,000—NDRRMC

SUMAMPA na sa 27,113 pamilya o 90,096 indibidwal ang mga naapektuhan ng shear line at nagdaang Bagyong “Kabayan”.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules, Disyembre 20.

Nagmula ang mga apektadong residente sa 228 barangay sa MIMAROPA, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, at CARAGA.

Habang 20,685 pamilya o 68,461 indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa 401 evacuation centers.

Patuloy na isinasailalim sa berepikasyon ang isang naiulat na nasugatan at isang naiulat na nawawala.

Nasa 50 kabahayan ang partially damaged at 4 kabahayan ang totally damaged.

Samantala, nakapag-abot na ang gobyerno ng family foods packs sa mga apektadong residente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble