Apo Whang-Od pinakaunang bumoto sa Brgy. Buscalan, Kalinga

Apo Whang-Od pinakaunang bumoto sa Brgy. Buscalan, Kalinga

ISA sa mga pinakamaagang bumoto ngayong araw ng halalan ay si Living Legend Apo Whang-Od, na unang nagtungo sa Buscalan Elementary School sa Tinglayan, Kalinga upang maisakatuparan ang kaniyang karapatang bumoto.

Matapos ni Apo Whang-Od, sinundan naman siya ng ilang senior citizens mula sa Butbut Tribe na sabik ding makibahagi sa Makabagong Halalan 2025.

Ayon sa datos, nasa 900 ang kabuuang populasyon ng Barangay Buscalan, kung saan 600 sa kanila ang rehistradong botante.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble