MAGBUBUKAS ang Apple Inc. ng kanilang kauna-unahang online store sa Vietnam sa May 18, 2023.
Kasunod ito sa pagbubukas din ng Apple stores sa Mumbai at Delhi, India.
Naniniwala ang Apple Inc. na ang naturang pagbubukas ay magbibigay ng mas malaking kita para sa kompanya.
Unang inilunsad ng Apple Inc. ang kanilang online store sa India noong taong 2020.