Appointment paper ni DMW Sec. Cacdac, natanggap na ng CA

Appointment paper ni DMW Sec. Cacdac, natanggap na ng CA

NATANGGAP na ng Commission on Appointments (CA) ang appointment papers ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac.

Noong nakaraang buwan ay matatandaang na-bypass si Cacdac.

Sa pagsalang nito sa CA noong nakaraang linggo ay mayroong dalawang dumalo para harangin ang kompirmasyon ni Cacdac dahil sa umano’y mga dummy recruitment agency ng kalihim.

Pinabulaanan naman ito ni Cacdac subalit iyon nga at hindi na sapat ang oras para sa kumpirmasyon.

Nag-adjourn ang Kongreso noong Mayo 25, 2024 at babalik ang session sa Hulyo 22, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble